Isang Pakisantaning security guard sa Dubai ang inakusahan ng pangmomolestiya ng isang Filipina na hinabol niya ‘di umano papunta sa apartment nito.

Ayon sa Filipina, gabi na nang pauwi na siya ng kaniyang apartment sa Dubai Investment Park nang gamitin ng lalaking Pakistani ang card nito upang pumasok ng kaniyang building, iniulat ng Gulf News.

Nag-alok ng tulong ang security guard sa Filipina upang buhatin ang mga gamit nito papuntang apartment nito ngunit ito’y tumanggi. Pumasok ang lalaki sa elevator kasama niya at parehas silang bumaba sa 4th floor. Nang bumukas ang pintuan ng elevator, sinabi ng guard na sasamahan niya ang Filipina ngunit ito’y tumanggi at nagpatuloy sa paglalakad papuntang apartment nito.

Ngunit hinabol siya ng guard at hinila papalapit sa kaniya at sinubukang hubarin ang kaniyang pantalon at siya’y molestiyahin. Nakatakas ang Filipina sa pagtulak at pagtakbo papunta sa kaniyang apartment kung saan siya’y tumawag ng mga pulis, na umaresto rin sa lalaki.

Noong Lunes, sa Dubai Court of First Instance, inakusahan ang lalaki ng pangmo-molestiya sa babae. Iginiit pa rin ng lalaki na wala siyang kasalanan at itinanggi ang mga akusasyon. Ngunit ipinag-tibay ng Filipina na siya’y hinabol at hinawakan ng lalaki. Nang hindi matanggal ng lalaki ang pantalon ng babae, minolestiya niya ito.

Ayon sa korte, nakatagpo ng semilya ng lalaki sa damit ng Filipina na tumugma sa suspek.

Original: Man accused of molesting Filipina in Dubai