Sinentensiyahan ang isang Amerikanong lalaki ng 25 taong pagkakakulong sa Estados Unidos sa pag-uutos ng sexual abuse sa isang Filipinong binatilyo at pagpo-produce ng child pornography.

Napatunayang nagkasala si Richard Bailey, 67-anyos, ng production and possession of child pornography sa isang District Court sa Bangor noong Hunyo.

Napag-alamang ang pag-amin ay may kinalaman sa pang-aabuso ng isang menor de edad – isang binatilyong ‘di hihigit sa 12 taong gulang – noong Pebrero ng 2017, kasama pa ng iba pang mga offense.

Noong Huwebes, sinentensiyahan ng isang US District Court judge si Bailey ng 25 taong pagkakakulong, iniulat ng Philippine Lifestyle News.

Pinagmumulta rin si Bailey ng US$250,000 (PHP13.1M). Ayon sa United States Attorney’s Office, nakikipag-chat online si  Bailey sa mga tao sa Pilipinas at sinasabi sa kanilang magsagawa ng mga gawaing sekswal sa mga bata.

Nire-record ang mga gawaing ito, kinuhanan ng litrato, at ipinapakalat sa internet.

Ipinarating ‘di umano sa mga agent na si Bailey ay naga-upload ng mga video ng mga batang sekswal na inaabuso.

Kinalaunan ay ni-raid ng mga awtoridad ang bahay ni Bailey sa Gardiner, Maine, at nakatagpo sa kaniyang mga electronic device ng mga litrato ng mga child pornography na sangkot ang mga binatilyo.

Inimbestigahan ang kaso bilang parte ng Project Child Safe ng US Department of Justice, na nais labanan ang lumalaking bilang ng mga child sexual exploitation at pang-aabuso.

Original: Man jailed 25 years for child sexual abuse in Philippines