Inaasahang magtataas ang Japan ng mga manggagawang maaaring manatili sa kanilang bansa ng daan-daan libo bilang pagtatangka na buhayin muli ang kanilang workforce.

Magpapasa ng bagong batas ang Japanese Diet na makakapagpataas ng bilang ng mga mabababang sweldo at mga ‘di gaanong mga batikang mga manggagawa na maaaring pumasok sa kanilang bansa, iniulat ng CBC.

Bumababa na ang populasyon ng Japan, na nagiging matinding problema na para sa isang bansang mahigpit na nakadepende sa manufacturing para sa kanilang ekonomiya. Noong 2017, bumababa ang populasyon ng Japan ng 0.3% sa 125.2 million. Sa kapareho ring panahon, mayroon lamang na 946,060 na mga panganganak ang nai-record, ang pinakamababang bilang simula pa noong 1899. Bukod pa rito, 20% ng populasyon ng bansa ay nasa edad 65 pataas.

Ang konserbatibong administrasyon ni Shinzo Abe, kahit na hindi ito naaayon sa mga plano, ay binabago na ang mga batas immgration upang mas makahatak pa ng mga dayuhang mga manggagawa sa darating na limang taon. Nasa 345,000 na mga manggagawa na sa sektor ng blue-collar ang papasok na ng Japan.

Ngunit, madalas na kinikritiko ang Japan sa kanilang pagtrato sa mga dayuhang mga manggagawa, lalo na sa mga nasa ilalim ng “Technical Intern Training Program”, na nais magbigay kasanayan sa mga intern na maaari nilang iuwi sa kani-kanilang mga bansa.

Ayon sa mga kritiko, ang mga natawag na mga intern ay napupunta na lamang sa mga trabahong hindi nila gusto tulad ng paglilinis at paghuhugas ng mga pinggan.

Simula pa noong 2015, mayroon nang 69 na mga dayuhang mga trainee sa Japan ang namatay dahil sa mga aksidenteng may kinalaman sa kanilang mga trabaho. Ang bilang rin ng mga pagpapakamatay dahil sa kanilang trabaho ay isa pa ring tinitingnan.

Original: More foreign workers to supplement Japan’s ageing workforce