Dalawang estudyante ang sinentensiyahan ng isang taong pagkakakulong at pinagmumulta matapos mapatunayang nagkasala sa pagtatangkang gahasain ang isang lalaking Filipino sa Dubai.

Noong May 14, isang 41-anyos na lalaking Filipino ang nilapitan ng 19-anyos na estudyanteng Yemeni, na sinabing tutulungan siya nitong maghanap ng trabaho, iniulat ng The National.

Nagpasama ang estudyante sa lalaking Filipino sa kaniyang apartment sa Al Qusais upang umano’y magpalit ng damit. Pagkarating nila sa apartment, hinintay ng Filipino ang estudyante.

Lumabas ang estudyante ng kaniyang kwarto na nakapanloob na lamang. Sinubukan niyang hubaran ng damit ang Filipino at inalok itong makipag-talik sa kaniya. Ang roommate ng estudyante na isang Sudanese, ay lumabas naman ng kaniyang kwarto at pinagbantaan ang Filipino gamit ang isang kutsilyo.

Nakuhang tumakas ng Filipino sa pamamagitan sa pagtalon sa isang bintana, ngunit siya’y nagtamo ng malulubhang mga sugat. Isang security guard sa building ang tumawag ng ambulansya at ini-report ang insidente sa mga pulis, na siyang umaresto naman sa dalawang estudyante.

Itinanggi ng mga estudyante ang mga alegasyong tangkang panggagahasa sa Dubai Court of First Instance, ngunit hinatulan pa rin ang dalawa ng isang taong pagkakakulong at pagmumultahin ng US$5,718 (PHP300,000) para sa danyos sa biktima.

Original: Students jailed for attempted rape of Filipino in Dubai