Binigyang-pansin ng isang mambabatas ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng HIV sa mga OFW.

Si Ancieto Bertiz III, isang representative ng party-list na ACTS-OFW, ay nagsabing nasa 6,135 na mga OFW ay mayroong HIV, na halos 10% na ng 60,000 na mga Filipinong mayroon nang ganitong sakit, iniulat ng GMA News.

“Mas nalalagaya sa kapahamakan ang mga OFW dahil sa oras na sila’y ma-expose sa mga banyagang kultura, mas nagiging kampante na sila rito” sabi ni Bertiz.

Ayon sa kaniya, halos 697 na mga OFW na ang na-diagnose ng HIV mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito, na tumaas ng 13.7% mula sa 613 na mga kaso kumpara sa kaparehong mga buwan noong 2017.

Nanawagan si Bertiz sa Philippine Overseas Employment Administration at sa Overseas Workers Welfare Administration upang maglaan pa ng budget sa pagsusulong ng mga programang makakapagbigay edukasyon sa mga OFW at sa kani-kanilang mga pamilya.

“Ang paglaban sa AIDS na may mas malawak na kaalaman at pangaral ay ang aming unang prayoridad dahil isa sa sampung mga Filipino na nabubuhay ng may HIV ay isang OFW”, sabi ni Bertiz.

Original: Migrant workers make up 10% of HIV cases in Philippines