Sinabi ng isang na-deport na OFW na nawala ang kaniyang pera, at iba pang mga mamahaling mga kagamitan sa kaniyang check-in luggage nang dumating siya sa Pilipinas mula sa Saudi Arabia noong nakaraang buwan.

Si Andrew Montes, na na-deport mula sa Saudi Arabia, at dumating sa Pilipinas noong  November 17, ay nagpahayag sa isang Facebook post na inutusan siya ng immigration personnel sa Jeddah na i-check-in ang lahat ng kaniyang gamit dahil hindi siya pwede umanong magbitbit ng kahit anong kagamitan niya sa eroplano, iniulat ng GMA News.

Matapos lumapag sa Manila, nagulat na lamang si Montes na nawawala na ang kaniyang cellphone, 3,000 riyals (PHP42,000) at ilang mga alahas mula sa kaniyang bagahe. Sinabi ni Montes na hindi siya sigurado kung nanakaw ba ang mga ito sa Jeddah o sa NAIA.

Ipinahayag na ng Manila International Airport Authority (MIAA) na sila’y nakipag-ugnayan na sa ground handler ng Saudi Airlines at wala silang nakita na kahit anong basehan ng mga alegasyon ni Montes.

“Napag-alamang ang footage na kuha mula sa mga body camera ng kanilang mga ramp agent ay wala namang nakitang kakaiba sa mga pagmi-mishandle ng mga bagahe”, sinabi ng MIAA.

Nagsampa na ng reklamo si Montes laban sa mga Saudi Airlines representative sa  NAIA, na nangakong babayaran ng airline ang kaniyang mga nawalang mga gamit. Ngunit, nakatanggap si Montes ng email mula sa Saudi, na nagsasabing hindi mananagot ang airline sa kahit anong nawalang mga gamit.

Original: Deported Filipino claims his luggage was looted