Inakusahan ang dalawang Filipinang tagalinis ng pagnanakaw ng laptop mula sa isang babaeng Emirati na aksidenteng naiwan ito sa isang washroom ng isang supermarket sa Dubai Silicon Oasis.

Ayon sa babaeng Emirati, siya’y nasa isang lokal na supermarket nang nangyari ang insidente noong Oktubre. Sinabi ng babae na matapos niyang gumamit ng washroom, umalis siya na wala na ang kaniyang MacBook Pro, iniulat ng Gulf News.

Nang mapagtanto ng babae ang kaniyang pagkakamali, agad siyang bumalik sa washroom ngunit hindi na niya makita ang computer. Matapos ay tumawag ito sa mga pulis at isinumbong na nanakaw na ang kaniyang laptop.

Dahil sa mga imbestigasyon ng mga pulis, inaresto nila ang dalawang Filipinang taga-linis na nagtatrabaho sa supermarket.

Inakusahan ang dalawang babae ng pagnanakaw ng laptop na nagkakahalaga ng 21,000 dirhams (PHP 302,000), ngunit itinanggi nila ang mga akusasyon, at nag-plead ng not guilty sa Dubai Court of First Instance noong Martes. Sinabi ng isa sa mga akusado na natagpuan nila ang laptop sa lapag ng washroom, ngunit hindi nila ito ninakaw.

Didinigin ang paglilitis sa ika-25 ng Disyembre.

Original: Two cleaners in Dubai accused of stealing laptop