Isang Koreano ang umamin sa pagpatay ng kaniyang mas batang asawang Filipina, sa pagsaksak sa kaniya hanggang sa mamatay matapos magkaroon ng away ang magkasintahan.

Sinabi ng mga opisyal sa Yangsan Police Station sa South Gyeongsang Province sa Korea, na ang 59-anyos na lalaki ay tumawag ng mga pulis Lunes ng umaga at sinabing siya ay may napatay, iniulat ng The Korean Herald.

Ayon sa kaniya, siya at ang asawa niyang Filipina na 38-anyos, ay nagkasagutan at sinaksak niya ang kaniyang asawa pati na rin ang sarili. Ayon sa mga pulis, nagpakasal ang dalawa 7 taon na ang nakalilipas ngunit walang namang mga report ng pangaabuso simula ng ikasal sila.

Nang dumating ang mga pulis sa kanilang bahay, walang malay ang lalaki at dinala agad sa hospital, habang ang babae ay natagpuang patay dahil sa mga natanggap niyang mga saksak.

Sinabi ng mga pulis na ang mga natamong sugat ng lalaki ay hindi ganoon kadelikado.

Sinabi ng mga pulis na plano nilang latagan ng warrant of arrest ang lalaki matapos niyang magpagaling mula sa kaniyang mga sugat. Sasailalim sa autopsy ang labi ng babae upang malaman ang oras at dahilan ng pagkamatay nito.

Original: Man accused of stabbing his Filipino wife to death in Korea