Binigyan ang lalaking Austrian ng isang suspendidong tatlong buwang termino sa kulungan dahil sa kaniyang pangha-harass na sekswal sa dalawang Filipina sa kaniyang residensiya sa Dubai. Minolestiya umano ng 68-anyos na lalaki ang dalawang babae sa dalawang magkaibang okasyon.

Ayon sa unang biktima, siya’y tinawag sa residensiya ng lalaki noong Enero. Minamasahe niya ito nang hinubaran at minolestiya siya nito, iniulat ng Khaleej Times.

Noong Marso, ang ikalawang biktima naman, na inabisuhan na ng kaniyang mga kapwa taga-linis tungkol sa nangyari sa kanila noong mga nakararaang buwan, at sinabihan ring pumunta sa apartment ng lalaki upang maglinis. Sinabi niyang sinabi sa kaniya ng lalaki na pumunta siya sa kwarto nito upang masahiin niya ito.

Nakapagpaalala ito sa Filipina, na kinalaunan ay ipinaratang na niyakap siya ng lalaki at minolestiya siya nito matapos hubarin ang kaniyang mga damit. Matapos niyang makaalis ng apartment, nagsampa na agad siya ng reklamo sa pulisya, at iniabot ang isang cellphone video ng malaswang pangyayari.

Inaresto ng mga pulis ang lalaki, na matapos pakitaan ng video footage, ay sinampahan ng reklamong pangmo-molestiya ng dalawang babae. Itinanggi ng lalaki ang mga alegasyon, ngunit binigyan rin siya ng suspendidong tatlong buwang termino sa kulungan, at matapos nito’y siya ay made-deport rin. Nag-apela ang lalaki laban sa sintensiya.

Original: Man convicted of molesting Filipinas in Dubai