Sampung talentadong mga domestic worker sa Hong Kong ay binigyang mga parangal sa isang paligsahang idinaos upang makilala ang kanilang mga nakamit at ang kanilang mga kontribusyon sa komunidad kung saan sila’y naninirahan at nagtatrabaho.

Nais isulong ng Migrant Stars 2018 Competition ang kamalayan ng mga nakamit at mga talento ng mga domestic worker, pati na rin ang kanilang mga importanteng mga kontribusyon na kanilang nagawa sa kanilang mga lokal na komunidad, ayon sa Enrich HK, ang charity na nagsagawa ng paligsahan.

Nakatanggap ang organizer ng 90 mga nominasyon para sa 40 mga taong ang mga kakaibang mga talent at mga kontribusyon kasama na ang charity work, edukasyon, sining, fashion, culinary skills, entrepreneurship, journalism, photography at isport.

Si Kocho Hei, isang Indonesian na domestic worker at award-winning na masterchef na nag-film na ng maraming mga cooking show kaakibat ang Hong Kong newspaper na Apple Daily, ay isa sa mga sampung nanalo.

Sinabi niyang tunay siyang nagagalak nang natanggap niya ang parangal at malaman at maintindihan pa ang mga nagawa na ng kaniyang mga kapwa domestic worker para sa komunidad. Ayon sa kaniya, ang mga ito ay nagpa-inspire sa kaniya upang mas palinangin pa ang kaniyang talento.

Isa pang nagwagi na si Jennifer Gallo Aplomo Debaja mula sa Pilipinas, na siyang namangha sa pagkakatanggap ng award. Bilang makata, manunulat, volunteer journalist, community leader at founder ng ‘RMN Iloilo Fans Club HK’, sa mga ulat ni Jennifer ay nakapag-bigay na kamalayan ito ukol sa pang-aabuso sa mga OFW sa Middle East at nakapagbigay daan pa upang makasama muli ng mga nawawalang mga manggagawa ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Sinabi ni Debaja na isang pribilehiyo para sa kaniya ang makapagbigay sa komunidad at may maiwang aral sa magulong mundong ating ginagalawan ngayon.

Idinaos ang kompetisyon sa Hong Kong at nagpatuloy sa iba’t ibang lugar sa pakikipagtulungan ng mga charity na One-Forty in Taiwan at Aidha sa Singapore.

Ayon kay Lucinda Pike, ang Executive Director ng Enrich, dahil sa lumalagong bilang ng mga OFW sa Asya, lalo na sa Hong Kong, Singapore at Taiwan, nais ng charity na makapukaw ng atensyon ang mga magagandang balita tungkol sa mga kontribusiyon nila sa lipunan.

Original: Domestic workers in Hong Kong receive awards