Higit sa 200 mga Filipinong domestic worker sa Singapore ang nanawagan ng tulong at payo sa isang non-governmental organization noong Linggo, dahil sa takot na lamang sa mga kapalit ng kanilang hindi pagbabayad sa kanilang mga utang matapos magtalaga ang bansa ng mga bagong patakaran na humahadlang sa kanilang mangutang pa ng mas malaki.

Simula November 30, ang mga dayuhan sa Singapore na kumikita ng mas mababa sa S$10,000 (PHP 3.8million) kada taon ay maaari lamang mangutang ng may kabuuang hanggang sa S$1,500 (PHP 57,700) mula sa mga lisensyadong mga moneylender, iniulat ng Shin Min Daily News.

Noong December 9, si Pastor Billy Lee, ang founder at executive director ng Blessed Grace Social Services (BGSS), at ang 12 mga volunteer, ay nakipagkita sa 209 mga Filipina, at ang hindi hihigit sa 38 ay nangutang na lamang sa mga loan sharks.

Sa 38, ang mga pinakamalalaking mga mangungutang ay nakahiram na ng S$4,700 (PHP 1.8million) mula sa anim na mga moneylender, habang ang apat na babae naman ay nagtungo pa sa Johor Baru, Malaysia, upang makakalap pa ng mga karagdagang utang upang ipambayad sa mga utang nila sa mga moneylender sa Singapore, ipinaliwanag ni Lee.

Ang Filipinang domestic worker na nagngangalang Cruz, 45-anyos, na pitong taon nang nagtatrabaho sa Singapore at nakahiram na ng may kabuuang S$1,800 (PHP 69,000) mula sa tatlong moneylenders ngayong taon, ay nananawagan na ng tulong kay Lee na nakipag-usap na sa mga nagpautang para sa kaniya.

Dahil sa hindi niya kayang magbayad ng higit sa S$100 (PHP 3,800) kada buwan sa bawat moneylender, pinayagan si Cruz na magbayad na lamang ng S$50 (PHP 1,900) kada buwan sa susunod na walong buwan matapos ng tulong ni Lee.

Lubos ring nagalak ang Filipina nang pakinggan ng kaniyang amo ang kaniyang mga dahilan, pinatawad siya, at binigyan pa siya ng isa pang pagkakataon matapos biglaang bumisita ang isang moneylender.

Ayon kay Lee, kailangan nang tumigil ng BGSS sa pagtanggap ng mga bagong mga kaso dahil sapat lamang ang kaban at matatagalan pa ang pagtulong sa kasalukuyang grupo ng 209 na mga manggagawa upang mapakiusapan ang mga bagong plano sa pagbabayad sa mga nagpautang.

Original: More than 200 Filipinas in debt seek help from Singapore NGO