Ang Filipinong theater actress at singer na si Lea Salonga ay ang pinakaunang Filipino na nanomina para sa isang Grammy Award, na nakapagtalaga sa kaniyang pinakaunang nominasyon sa kaniyang 40 taong career.

Noong December 7, nag-post si Salonga sa Instagram na siya, kasama ang mga cast ng Broadway musical na “Once On This Island” ay nanomina para sa Best Musical Theater Album sa 2019 Grammy Awards, iniulat ng GMA News.

Si Salonga ay nailista bilang isang principal soloist sa album, at isinasa-arte ang karakter na Ezruile, ang Diyosa ng Pagmamahal sa musical.

“Opisyal na akong Grammy nominee! Sobrang nagagalak akong ipaalam ito sa aking Island family”, sinabi ni Salonga kaniyang Instagram post.

Iniarte ni Salonga ang lead role na Kim sa musical na Miss Saigon sa edad na 18. Ito’y nakapagpanalo sa kaniya ng kaniyang Olivier and Theatre World Awards at nakapagtalaga sa kaniya bilang ang unang Asyanong nanalo ng Tony Awards. Kilala rin si Salonga sa kaniyang mga karakter sa Disney productions, na nagtanghal na bilang Princess Jasmine sa “Aladdin” at Fa Mulan sa “Mulan”.

Original: Lea Salonga is first ever Philippines Grammy nominee