Isang 12-taong-gulang na batang babaeng Pilipino ang napatay matapos gilitan ang kanyang lalamunan ng isang hindi kilalang manloloob sa kanilang bahay sa Caloocan City sa Pilipinas.

Noong Miyerkules ng hapon, ang biktima na si Miracle Singson ay umuwi nang maaga mula sa paaralan dahil ito ay kanilang linggo ng pagsusulit. Mga alas-3 ng hapon, dumating ang kasambahay ng mag-anak at natagpuan ang bangkay ni Singson sa sahig, iniulat ng GMA News.

Ang lalamunan ng batang babae ay iniulat na nilaslas at ang kanyang katawan ay puno ng dugo.

Ang ama ng biktima, si Colenso Singson, ay nagsabi na siya ay nasa trabaho nang tawagin siya ng pulisya upang ipaalam sa kanya kung ano ang nangyari. Ayon sa pulis, walang tanda ng sapilitang pagpasok sa bahay, na nagpapahiwatig sa posibilidad na ang taong hinahanap nila ay isang taong malapit sa pamilya.

Sinabi ni Colenso na ang kanyang bayaw lamang ang may kopya ng susi sa kanilang bahay at ang bayaw ay naligo sa bahay ng tanghali ng araw na iyon ng ang kanyang anak na babae ay natagpuang patay.

Ang mga pulisya ay kasalukuyang sinisiyasat ang kaso at ang pagkakakilanlan ng mamamatay ay nananatiling hindi kilala.

Original: Girl, 12, murdered in Caloocan City, Philippines