Natagpuang patay ang anak na babae ng isang Pinoy migrant worker sa kanilang tahanan matapos magtamo ng mga sugat dahil sa pananaksak at pinsala sa ulo nito sa Davao Occidental sa Pilipinas.

Si Jane Masucol, 18 taong gulang, ay sinaksak ng dalawamgpung beses sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at ang kanyang ulo ay nawasak ng pukpokin ng martilyo. Natagpuan si Masucol sa kanyang bahay noong Sabado ng umaga sa Barangay Mamacao, Santa Maria, iniulat ng GMA News.

Tinukoy ng pulisya ang pinaghihinalaang pumatay na si Wangyo Tribunal, isang kaibigan ni Masucol na umano’y ni-raped din nito ang biktima bago ito patayin.

Si Tribunal ay naaresto pagkatapos na makita ang katawan ni Masucol. Ngunit itinanggi niya ang panggagahasa sa biktima at sinabing nais lang niyang takutin si Masucol para gumanti dahil sa panunukso sa kanya.

Sinabi ng pulisya na ayon sa forensic examination, ang biktima ay hindi ginahasa.

Ang mga pulis ay patuloy na nagsisiyasat sa pagkamatay ng babae. Sinabi nila na ang ina ng biktima, na isang Pilipinong migrant worker, ay nakatakdang bumalik sa Pilipinas sa darating na mga araw.

Original: Migrant worker’s daughter stabbed to death by friend