Isang 39-anyos na Filipino domestic worker ang tumanggi sa akusang pagpapaligo ng isang anim na buwan na sanggol na babae na may halong bleach at shower gel nang lumabas siya sa Sha Tin Magistrates ‘Court noong Martes.

Sinabi ni Merlyn Anao Ando na hindi siya guilty sa isang bilang ng ill-treatment sa pag-aalaga ng isang bata, subalit iniulat ng representante ng mahistrado na si Jerry Chung Ming-shing na ang prosekutor ay nag establish ng prima facie laban sa kanya, iniulat ng Sing Tao Daily.

Si Ando ay naaresto matapos pagbintangan sya ng amo na gumamit sya ng pampaligong may halo ng bleach at shower gel sa batang babae sa apartment sa Fo Tan sa New Territories noong Agosto ng nakaraang taon.

Dininig ng korte na ang insidente ay nangyari noong Agosto 13 nang nakaraang taon, isang araw bago sya mag-resign sa trabaho.

Sinabi ng ina sa korte na siya, ang nasasakdal at isa pang Filipina domestic worker ay naghanda ng pampaaligo ng sanggol na babae. Ang shower gel at flora water ay idinagdag umano sa bath water.

Napansin ng ina na ang kulay ng tubig ay nagiiba ng ang tubig ng flora ay idinagdag. Sinuri niya ang dalawang manggagawa at sinabing sinunod nila ang mga pamamaraan sa pagpapaligo gaya ng dati.

Inilagay ng babae ang kanyang anak na babae sa tubig, ngunit naramdaman niya ang isang bagay na mainit sa kanyang kamay at nagsimulang umiyak ang anak nito. Nagtanong si Chan sa mga manggagawa at sinabing mayroong bleach sa loob ng bote ng shower gel.

Siya ay nagulat at agad na hinugasan ang sanggol sa tubig at tumawag sa pulis. Dumating ang mga pulisya at nakita ang mga pulang spots sa tiyan ng sanggol at kanang hita. Ipinadala ito sa isang ospital, ngunit sinabi ng isang doktor na walang mga halatang marka o pinsala sa batang babae. Ang batang babae ay pinalabas ng ospita sa parehong araw.

Sinabi ng defense lawyer na si Ando ay nagdagdag ng bleach sa bote ng shower gel upang makatulong na linisin ang banyo. Ngunit sinabi ng employer na hindi niya alam ang ginawang ito, iniulat ng Oriental Daily.

Sinabi rin ng defense lawyer na ang employer ay nagambala habang pinapaliguan niya ang kanyang anak dahil pinag-uusapan nila ni Ando ang isyu tungkol sa pera para sa kanyang pagbibitiw.

Ang pagdinig sa kaso ay magpapatuloy sa Biyernes.

Original: Domestic worker denies using bleach to bath baby girl