Ang Pilipino domestic worker na di umano’y minolestya ng kanyang amo habang sila ay nag-iisa sa kanilang bahay sa Fanling, Hong Kong ay naghihintay ngayon ng balita kung hahatulan ng mga pulis ang suspek.

Ang 25-anyos na domestic worker, na kinilala lamang bilang Lyn, ay nagsabi na habang ang kanyang babaeng amo ay late na pauwi sa kanilang bahay noong Disyembre 30, siya ay nag-iisa sa bahay kasama ang kanyang amo na lalaki sa isang apartment sa Fanling, iniulat ng sunwebhk.com.

Sinabi ni Lyn na nagtatrabaho siya sa kusina nang pumasok ang kanyang amo at nagtanong kung nilalamig siya. Ang kanyang amo ay biglang yumakap sa kanya mula sa likuran at hinawakan ang kanyang dibdib habang sinusubukang ibaba ang kanyang jogging pants.

Ang domestic worker ay nakakuha ng tyansang makawala mula sa pagkakayakap ng kanyang amo at tumakbo sa kanyang silid. Unang syang nakipag-ugnayan sa kanyang mga kaibigan, na pinayuhan siya na agad tumawag sa pulisya.

Dumating ang mga pulis sa apartment alas-nuebe at kinausap sila Lyn at ang amo nito ng mahigit dalawang oras. Pagkatapos ay kinuha ng pulisya si Lyn at dinala sa istasyon ng pulisya sa Tai Po habang naiwan naman amo para sa karagdagang pagtatanong.

Sinabi ni Lyn na ang kanyang nakatatandang kapatid na babae, na nagtatrabaho din sa Hong Kong, ay dumating sa istasyon ng alas-10 ng umaga kinabukasan at upang kunin sya at iuwi. Sinabi ng domestic worker na hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanyang amo kung ito ba ay naaresto o hindi.

Original: Domestic worker claims Hong Kong employer molested her