Isang domestic worker sa Kuwait ang ngayo’y nasa naospital matapos magtamo ng malubhang pinsala sa di-umano’y tangkang pagpapakamatay.

Ang domestic worker, na pinaniniwalaang may tatlumpung taong gulang, ay nagtangkang tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikalawang palapag ng isang tanggapan ng domestic labor sa Jleeb Al-Shuyoukh, iniulat ng Arab Times.

Ayon sa mga paunang pagsisiyasat, ang domestic worker ay ipinadala sa labor office ng kanyang employer ng matapos ang kanyang kontrata. Ang labor office ay gumagawa ng mga pagsasaayos upang ipadala ang Pilipino sa ibang employer nang siya’y tumalon sa gusali.

Dinala siya sa Farwaniya Hospital kung saan siya ay nasa kritikal na kalagayan matapos magtamo ng fractures at panloob na pagdurugo sanhi ng pagkahulog.

Noong nakaraang Nobyembre, isang Pilipinong domestic worker ang sinasabing nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikatlong palapag ng bahay ng kanyang pinagtatrabahuhan sa Kuwait. Noong Disyembre, isa pang Pilipinong domestic worker sa Jeddah, Saudi Arabia ang nagbanta na papatayin ang kanyang sarili kung hindi siya papayagang bumalik sa Pilipinas.

Original: Domestic worker hospitalized after suicide attempt in Kuwait