Isang Filipina domestic worker sa Abu Dhabi ang tumanggap ng pera mula sa kanyang employer para sa pagpapatayo nito ng bahay sa maliit na lupain sa Pilipinas ang kamakailan lamang ay nakatanggap muli ng isa pang regalo: isang kotse.

Si Dina Tenerife Celo, 47, na nagsimulang magtrabaho para sa kanyang Emirating amo noong 1998, ay nagbigay sa kanya ng second-hand na Nissan upang hindi na siya sumakay ng pampublikong transportasyon upang bisitahin ang kanyang anak sa Abu Dhabi, iniulat ng The Filipino Times.

Sinabi ni Celo na nakita siya ng kanyang amo na si Melissa McPike na nahihirapan sa pagsakay sa pampublikong sasakyan para makita ang kanyang anak na lalaki – na nagtatrabaho din sa Abu Dhabi – kaya’t binigyan siya ng kotse.

“mahigit ilang oras ang pagbyahe sa bus upang makita ko lamang ang aking anak. Ang kotse ay malaking tulong sa akin para makita ang anak ko ng mas madalas ngayon, “sabi ni Celo.

Sinabi ng kanyang amo na si Celo ay mapagkakatiwalaan at masipag. Sinabi ni McPike na hindi niya itinuturing na empleyado si Celo ngunit bilang bahagi ng pamilya.

Noong Oktubre 2017, binigyan ni McPike si Celo ng 23,000 dirhams (US $ 6,263) para bumili ng isang maliit ng lupa sa Camarines Sur sa Pilipinas at tinustusan din ang pagtatayo ng kanyang bahay.

Sinabi ni Celo na hindi niya kayang bayaran ang pagpapatayo ng bahay kahit magtrabaho pa siya sa United Arab Emirates sa loob ng higit na 20 taon, ngunit dahil sa kabutihan ng kanyang Amo, ang kanyang pangarap ay nagkatotoo.

Original: Domestic worker receives car from boss in Abu Dhabi