Isang estudyanteng Pilipino na-comma ng dalawang araw matapos siyang pagsusuntukin ng tatlo niyang mga kaeskuwela ay pumanaw na.

Noong Martes, si Kenneth Langit, 19, isang estudyante ng Grade 11 sa Mangaldan National High School sa Pangasinan sa Pilipinas ay pinarusahan ng tatlong estudyante sa Grade 12 nang isa sa mga estudyante ang naghamon kay Kenneth Langit ng away, ayon sa ulat ng GMA News.

Si Langit at ang kanyang kaklase ay papunta sa kanilang klase nang napadaan sila sa tatlong estudyante sa gym ng paaralan.

Naglaban si Langit ngunit ang dalawa pang mga estudyante ay sumali sa away at binugbog din siya. Dumating ang mga security guards at inawat ang away ngunit si Kenneth Langit ay bumagsak sa lupa. Dinala siya sa isang ospital kung saan siya ay na-comma ng dalawang araw.

Noong Huwebes ng gabi, si Langit ay naiulat na namatay na. Ang mga awtoridad ay sinisiyasat ang motibo ng mga suspect, kabilang ang posibilidad na ang away ay may kinalaman sa isang babae. Sinabi ng  kamag-anak ni Langit na ang girlfriend ng isa sa mga suspek ay may crush kay Langit.

Inaresto ng pulis ang tatlong suspek, at kinasuhan ng “frustrated murder”.

Original: Student dies after fist fight with three schoolmates