Dalawang Filipina domestic workers na sinabing sila ay pinilit na lumayas sa bahay ng kanilang amo sa Peak madaling araw noong Linggo matapos silang tumanggi na pumirma ng resignation letter.

Si Jerlyn Tribajo, 28, taga Davao na nagsabi na nagalit ang kanyang employer dahil nagreklamo siya sa employment agency tungkol sa hindi regular na oras ng pagkain at hindi sapat ang pahinga, iniulat ng sunwebhk.com.

Nagreklamo din si Tribajo na matapos siyang makagat sa kamay ng aso ng kanyang amo noong nakaraang buwan, sinabihan lamang sya na mag-apply ng cream sa sugat sa halip na dalhin sa isang doktor.

Ayon kay Tribajo, sinabi sa kanya ng kanyang employer sa alas-2 ng umaga noong Linggo na magsulat ng resignation letter, ngunit tumanggi siya, at sinabi sa employer na i-terminate siya sa halip. ikinagalit ito ng employer, kayat sinubukan na niyang hilahin si Tribajo sa kanyang kama.

Sinabi ni Tribajo na hinila ng employer ang kanyang mga braso at sinubukang sunggabin ang kanyang cell phone, na nakapinsala sa kanya kaya siya ay sumigaw sa saki kaya sya napakawalan ng kanyang amo. Naging daan ito upang makatawag si Tribajo sa pulisya.

Ang kapwa Pilipino na katulong ni Tribajo, 29-anyos na si Tessa Bas, mula sa Bukidnon, ay pinalayas din mula sa bahay. Dumating ang pulisya mga kalahating oras na ang nakalipas at sinabi ng employer sa dalawang babae na umalis sa bahay.

Dinala naman ng mga pulis ang mga Filipina worker sa Central, kung saan nakilala nila ang isa pang domestic worker. Matapos malaman ang insidente, ipinaalam nila ito sa Philippine Overseas Labor Office sa Wanchai upang makapag-file sila ng reklamo.

Ang dalawang kababaihan ay humingi din ng payo mula sa Labor Department at nais na mag-claim ng HK$7,600 (US$970) bawat isa, na binubuo ng isang buwan na sahod at pagtatapos sa kanilang trabaho, kasama ang air tickets.

Gayunpaman, nang humingi ng tulong ang mga Filipina sa employment agency sa pagkuha ng kanilang claim mula sa amo, tinanggihan ng employer at sinabing dapat sila pa ang magbayad sa kanya ng sahod ng isang buwan bilang kapalit sa pag-alis sa kanilang mga trabaho.

Ang dalawang partido ay naka-iskedyul  na magkita sa Biyernes upang magawan ng paraan ang kaso at kasunduan.

Original: Filipina workers claim employer kicked them out at midnight