Ang Filipina ay kabilang sa mga prestihiyosong pangkat ng mga kababaihan na nagtatrabaho sa National Aeronautics and Space Administration ng Amerika (NASA)

Si Engineer Josephine Santiago-Bond, na ipinanganak sa Estados Unidos ngunit bumalik sa Pilipinas noong siya ay dalawang buwan pa lamang, ang sa una’y walang interes sa astronomiya noong bata pa, iniulat ng spot.ph.

Si Santiago-Bond, na lumaki sa isang pamilya ng mga siyentipiko, ay nag aral sa Philippine Science High School kung saan siya ay natuto sa pag-aaral ng mga paksa sa agham at matematika. Pagkatapos ay kinuha ng Filipina ang payo ng isang dating kamag-aral na mag aral ng sa Electronics at Communications degree sa University of the Philippines.

“Kinailangan kong gapangin ang aking pag aral dahil sa hirap ng aking kurso, ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa dahil lamang sa ilang masasamang grado,” sabi ni Santiago-Bond.

Pagkatapos grumadweyt, lumipat siya sa US at kinuha ang isang master’s degree sa Electrical Engineering sa South Dakota State University, kung saan noong 2003, siya ay inalok ng summer internship sa John F. Kennedy Space Center (KSC) sa Florida, na isa sa 10 mga site ng NASA sa buong bansa.

Nang sya’y makapagtapo ng kanyang master’s degree noong 2005, Si Santiago-Bond ay nagkaroon nang full time job sa NASA. Siya ay unang nagtrabaho bilang isang system engineer na nagtutunggali sa technical problems ng space missions at nagtrabaho din sa lunar mission taong 2017.

Sa kasalukuyan, siya ang pinuno ng Advanced Engineering Development Branch sa KSC at responsable sa pagbibigay ng suporta sa engineering sa mga proyektong pananaliksik at pagpapaunlad ng teknolohiya.

“Pinapangunahan ko ang napakaraming grupo ng tao na dalhin ang kanilang buong sarili sa pagtatrabaho habang isinasagawa ang misyon ng NASA, na sa huli ay magiging pakinabang sa sangkatauhan,” sabi niya.

Original: Filipina engineer is department head at Kennedy Space Center