Ang batang babae, na tumakas mula sa kanyang tahanan sa lalawigan ng Henan anim na taon na ang nakalilipas matapos makipagaway sa kanyang kapatid, ay nakilala ng kanyang ina sa isang kalye. Sa anim na taon na siya ay nawala, siya ay na-rape at nagkaroon ng tatlong anak, angpaper.cn iniulat.

Habang naglalakad sa isang kalye matapos lumayas sa kanilang bahay, siya ay di-umano’y kinidnap ng isang 60-taong-gulang na lalaki at ni-lock sa loob ng isang bahay. Sinabi niya na siya ay ginahasa ng matandang lalaki at ng kanyang anak at nang maglaon ay nagkaroon ng tatlong anak. Sinabi niya na ang ama ng panganay na anak ay ang matandang lalaki at siya ay nagkaroon ng kambal sa anak ng matandang lalaki.

Noong Enero 24, 2018, ang batang babae ay gusgusing nasa isang kalye ng makita ng kanyang ina, kinausap ng kanynag ina ang babae ng tatlong beses bago siya nito makilala. Siya ay ipinadala sa isang ospital kung saan siya na-diagnose na may schizophrenia.

Noong Nobyembre 21, inaresto ang matandang lalaki dahil sa diumano’y panggagahasa sa batang babae. Siya ay ipinadala sa korte noong Disyembre 26. Gayunpaman, ang kanyang anak ay hindi hinatulan dahil siya ay nagpapakita na sya’y may problema sa pag-iisip.

Sinabi ng abugado ng babae na ang anak ng lalaki ay dapat ding hatulan ng panggagahasa. Sinabi ng abogado na ang matandang lalaki ay dapat ding kasuhan ng illegal detention, habang ang kanyang pamilya ay dapat humarap sa kasong harboring criminals.

Idinagdag ng abugado na kinakailangan ang mas maraming pagsisiyasat upang malaman kung ang batang babae ay inabuso noong siya ay kinidnap, na naging sanhi ng kanyang schizophrenia. Sinabi niya na ang kanyang dating kaklase ay maaaring magpatotoo na siya ay malusog bago siya mawala. Ang pagdinig sa kaso ay nagpapatuloy hanggang ngayon.

Original: Man charged over Chinese girl who was missing for six years