Isang dating migrant worker ang nagbaril sa kanyang dating asawa at pagkatapos ay pinatay din ang kanyang sarili sa labas ng isang simbahan sa isla ng Camiguin sa Pilipinas ay iniulat na pinagbantaan ang misis matapos nitong malamang may bago ng relasyon sa iba.

Kinilalang si Celmar Linao, 37, ang bumaril sa asawang si Ivy, 35, gamit ang kalibre 45 sa bayan ng Catarman sa distrito ng Mambajao mga 8:40 ng umaga habang isinasagawa ang isang misa sa simbahan. Una niyang sinubukang patayin ang babae sa tabi ng altar, ngunit ang baril ay hindi pumutok at si Ivy ay nakatakas patungo sa isang gilid na labasan.

“Lumabas siya at nakarinig na kami ng dalawang putok ng baril,” sabi ni Father Rolly Aniscal, na nagsasagawa ng misa. Sinabi ng ibang mga saksi na si Ivy ay pinabagal ng isa sa kanilang pitong anak habang sinisikap niyang makatakas.

Sinabi ng pulisya na natamaan si Ivy ng isang bala na pumasok sa kaliwang braso habang sinubukan niyang protektahan ang kanyang mukha na natamaan din at tumagos sa bungo. Pagkatapos nito’y binaril naman ni Linao ang sarili at namatay mula sa tama ng bala ulo.

Sinabi ng opisyal ng Catarman police Women and Children Protection Desk na si Ivy Linao ay pumunta sa kanyang tanggapan noong Disyembre para sa payo sa kasal sa mag-asawa, na sinasabi na ang kanyang asawa ay nagbanta sa kanya dahil sa pagseselos. Hindi na niya sinabi ang dahilan ng pagsseselos ng dating asawa.

Pinayuhan si Ivy na kumuha ng legal na aksyon ngunit hindi ito nag-file ng reklamo sa istasyon ng pulisya. Sinabi ng pulis na si Ritchie Babia na ang dating mag-asawa ay naghiwalay ilang buwan na ang nakalilipas matapos malaman ni Linao na ang kanyang asawa ay may ibang relasyon.

Ang misa ay nagpatuloy ng bente minuto matapos ang insidente, kasama si Father Aniscal na humihiling sa mga parishioner na manalangin para sa yumaong mag-asawa.

“Sinabi ko sa mga tao na maging tahimik ng isang minuto at mag-alay ng isang panalangin para sa kanila, pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang Misa,” sabi niya.

Original: ‘Jealous’ man kills wife, himself after learning of affair