Tatlong Pilipinong domestic worker sa Kuwait ang nakatanggap ng mga parangal mula sa isang migranteng grupo ng mga manggagawa para sa kanilang dedikasyon at katapatan sa kanilang trabaho.

Ang mga parangal ay iginawad sa isang Christmas party para sa mga migranteng manggagawa na inorganisa ng Filipino Clients Relations Officers (FILCRO). Ang mga premyo ay napunta sa tatlong domestic workers, sina Aisha Husain, Cathy Hadcan at Zenaida Ramos, iniulat ng The Kuwait Times.

Sinabi ni FILCRO President Maripol Abdullah na ang mga domestic workers ay nagpakita ng tiyaga at katapatan at pnatunayan na hindi lahat ng mga domestic workers sa Kuwait ay nagdurusa sa pang-aabuso o pag-abuso.

“Karapat-dapat silang makilala dahil sa kanilang hirap, dedikasyon at katapatan sa kanilang sinumpaang tungkulin,” ayon kay Abdullah.

Si Husain, na nagpunta sa Kuwait sa edad na 13, itinago ang kanyang edad mula sa kanyang unang amo at nagtrabaho nang higit isang taon bago humiling na maipalipat, dahil ang kanyang amo ay may malaking pamilya at siya lamang ang kanilang domestic worker. Nang siya ay mailipat sa isang bagong employer, siya ay tinuring bilang pamilya at mula noon ay nagtrabaho para sa kanila ng halos 30 taon.

“Hindi nila ako tinatrato bilang isang katulong ngunit bilang bahagi ng kanilang pamilya. Hindi nagtataas ang kanilang mga boses sa akin kapag nagkamali ako. Sobrang touched ako, “sabi ni Husain.

Si Ramos, na dumating sa Kuwait noong 1991, ay nagsabi na siya ay nagtrabaho lamang sa isang employer mula nang dumating siya sa bansa. Sinabi niya na hindi siya nagkaroon ng problema sa kanyang mga amo, kaya nga siya ay nanatili sa kanila sa loob ng 28 taon.

“Sobrang bait nilang mga amo. Tinatrato nila ako bilang isa sa kanilang mga anak, kaya bilang ganti ay ginagalang ko sila bilang aking mga magulang, “sabi ni Ramos.

Si Hadcan ay nagtatrabaho para sa isang Kuwaiti family sa loob ng mahigit 15 taon at sinabi na ang kanyang mga amo ay tumulong sa kanya na bayaran ang halaga ng muling pagpapatayo ng kanyang bahay sa Pilipinas nang ang Bagyong Haiyan ay tumama noong 2013.

“Mula ng dumating ako dito bilang isang katulong, hindi na sila nagbago ng trato sakin. Sila ay napakabait sakin at wala akong anumang dahilan upang iwan sila, “sabi ni Hadcan.

Ang mga domestic workers ay tumanggap ng PHP50,000 (US $ 950) at isang plaka.

Original: Loyalty awards for Filipino domestic workers in Kuwait