Mahigit 200 na debotong pilipino ang dinala sa mga first aid station habang idinaraos ang taunang prusisyon ng Black Nazarene, kung saan milyun-milyong deboto ang nagtipun-tipon sa mga kalye ng Manila sa Pilipinas.

Noong Miyerkules ng umaga, ang prosesyon ng imahe ng Itim na Nazareno- na kilala bilang Traslacion – ay ipinarada mula sa Quirino Grandstand sa Luneta ng bandang alas-5 ng umaga, at  limang milyong deboto ang inasahang sumali sa kaganapan. Ang prosisyong 6.4 kilometro ang haba ay natapos sa Quiapo Church, iniulat ng Philippine Daily Inquirer.

Bandang hapon, dalawang istasyon ng first aid na itinayo sa paligid ng Quiapo Church ay dinaluhan ng mga 200 biktima ng pagkahilo, pagkahina, sugat sa paa, hypertension at iba pang karamdaman, iniulat ng GMA News.

Isa sa mga istasyon ng First aid, dalawang pasyente ang dinala sa Ospital ng Maynila at Jose Reyes Memorial Medical center. Ang isa ay may kasaysayan ng stroke at ang isa ay may pinaghihinalaang bali sa buto.

Ang taunang prosesyon ay ginaganap tuwing Enero 9 sa Maynila. Dahil sa napakalaking bilang ng mga deboto na nakakasira sa daloy ng trapiko, sinuspinde ng gobyerno ng Pilipinas ang trabaho at mga klase.

Original: More than 200 injured during Black Nazarene procession