Isang Filipina domestic worker ang binigyan ng katiyakan mula sa isang opisyal ng Pilipinas na siya’y makakabalik sa Hong Kong matapos siyang tanggalin sa trabaho ng kanyang amo habang siya ay nasa Christmas Vacation. Nagpasya umano ang kanyang amo tanggalin siya sa trabaho dahil sa kanyang diumano’y “habitual negligence”.

Ang domestic worker na Filipina na nagngangalang J. R. ay nagsabi sa isang migrant support group na tinext siya ng kanyang among Tsino na nagsasabing tinatapos na nito ang kanyang kontrata sa trabaho na epektibo na lamang ng Disyembre 24, ng walang anumang paunawa na itinakda ng Labor Code, iniulat ng sunwebhk.com.

Sa ilalim ng Kontrata sa Pamantayan ng Pagtatrabaho, ang isang Amo ay maaaring magwawakas ng kontrata nang walang abiso o pagbabayad bilang kapalit kung ang domestic worker ay kadalasang nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin.

Binanggit ng employer ang apat na pagkakataon ng diumano’y “habitual negligence” na ginawa ni J.R., na ang una ay nangyari noong Hulyo 16, na ang filipina ay pinaniniwalaang “umalis at iniwan ang mga bata sa pintuan ng isang tindahan.”

Ang tatlong iba pang mga kaso ng diumano’y kapabayaan ay ng hinayaan ang isang bata na mahulog mula sa isang mataas na upuan noong Nobyembre 18; Ang hindi pagpansin sa makatwirang pangangailangan ng mga bata tulad ng paghuhugas ng kanilang mga kamay o pagpunta sa banyo; Ang hindi pagpansin sa makatwirang kinakailangan sa trabaho ng employer at hindi pagpapabuti ng kanyang pagganap sa trabaho pagkatapos ng paulit-ulit na babala ng kanyang Amo.

Si J.R ay pinayuhan na humingi ng tulong mula sa Philippine Overseas Labor Office at sa  migrant support group Mission for Migrant Workers.

Nang ipaalam ang sitwasyon ni J.R, agad na binigyan ng Labor Attaché na si Jalilo dela Torre ng mga assurances na dapat siyang makabalik sa Hong Kong at maghain ng labor claim laban sa kanyang employer.

Ang grupo ng migrant worker ay nagpayo rin kay J.R. na tumugon sa text message ng kanyang amo at tanggihan ang apat na nasabing kapabayaan na nakatalaga laban sa kanya.

Sinabi ni J.R na wala siyang ideya na ang kanyang Amo ay hindi nasisiyahan sa kanyang trabaho daan para tanggalin siya. Nakatakda sana siyang bumalik sa trabaho noong Enero 3.

Ang ulat ay hindi nagbanggit kung gaano katagal si J.R. na nagtatrabaho para sa kanyang kasalukuyang Amo o sa kasalukuyang kalagayan nito.

Original: Filipina worker dismissed by text message during holidays