Isang grupo ng turistang Pilipino ang naloko sa Beijing, China, matapos bumili ng mga alahas na nagkakahalaga ng PHP1 million (US $ 19,044).

Ayon sa mga Pilipino, ang kanilang tour package ay may isang araw na inilaan para sa pamimili sa mga tindahan na nagbebenta ng mga alahas at mga alternatibong gamot. Sinabi ng mga pilipino na ang alahas ay inaalok sa kanila sa diskwentong presyo at may back up na “sertipiko ng mahalagang pagkakakilanlan ng bato”, iniulat ng GMA News.

Nagdesisyon ang mga pilipino na bumili ng mga alahas sa paniniwala nilang walang anumang problema. Ngunit, nang bumalik sila sa Pilipinas at ipinasuri ang mga alahas, natuklasan nila na ang mga hiyas ay gawa mula sa salamin at ang mga sertipiko ay peke.

Sinabi ng isa sa mga biktima na mayroong parusa kung hindi sila papasok sa tindahan na bahagi ng kanilang tour package. Sinabi ng grupo na hindi sila magsasampa ng kaso laban sa kanilang travel agency, ngunit nais nilang balaan ang iba pang mga turista na maging maingat sa pagbili ng mga bagay sa ibang bansa.

Hinimok din ng grupo ang kanilang travel agency at tour guide na magbigay ng mga detalyadong paalala sa kanilang paglilibot upang maunawaan ng kapwa Pilipino.

Hindi ito ang unang insidente ng mga turistang Pilipino na nagkamali sa pagbili ng pekeng alahas. Noong Mayo 2017, bumili ang isang lalaking Pilipino sa Tsina ng mga “mahahalagang”  bato na nagkakahalaga ng PHP1 milyon na peke din.

Original: Filipino tourists conned into buying fake jewelry in China