Isang 46-taong-gulang na Filipina domestic worker na natagpuang walang malay sa bahay ng kanyang amo noong Pebrero 2 ay namatay din ng sumunod na araw sa Medical Center.

Nag-collapse si Eva Pascua sa tahanan ng kanyang amo at ipinadala sa Caritas Medical Center sa Kowloon’s Chueng Sha Wan, iniulat ng sunwebhk.com. Ang domestic worker ay mula sa San Agustin. Iniulat ng isang kaibigan niya ang kamatayan sa Konsulado ng Pilipinas.

Dumating ang anak na babae ni Pascua sa Hong Kong mula sa Maynila noong Pebrero 4 at inaasikaso na ang pagpapabalik sa mga labi ng kanyang ina sa Pilipinas. Ang dahilan ng kamatayan ay hindi agad nalaman.

Ang domestic worker ay na-cardiac arrest, ayon sa ulat ng hongkonwnews.com.

Sa parehong araw, ang domestic worker na si Donna M Avanceña, 56, ay pumanaw din matapos makitang walang malay sa bahay ng kanyang amo sa Mid-Levels. Hinimok ni Consul General Antonio Morales ang mga manggagawang Pilipino sa Hong Kong na mag-ingat sa kanilang kalusugan.

Ang Philippine Overseas Labor Office ay nag-aalok ng libreng medical check-up para sa mga manggagawa sa lungsod sa opisina nito sa Wan Chai mula Nobyembre noong nakaraang taon simula ng napagalaman nila ang pagtaas ng bilang ng mga manggagawa ay nagkakasakit.

Ayon sa data mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang bilang ng kaso sa welfare assistance na kinasasangkutan ng mga dayuhang manggagawa sa ibang bansa na may mga problema sa medisina sa Hong Kong ay umabot sa 113 sa 2014, ito ay nadagdagan sa 129 sa 2015, 244 sa 2016 at 416 sa 2017.

Original: Filipina domestic worker dies after collapsing in employer’s home