Ang sikat na Hong Kong actor na si Tony Leung Ka-fai at ang kanyang pamilya ay pinuri dahil sa pakikiramay na ipinakita nila sa kanilang domestic worker matapos siyang makarecover sa laban sa kanser sa cervix, kasama ang mga social media user na naglalarawan sa kanila bilang isang inspirasyon para sa iba pang mga employer.

Si Delia, na kasama ng pamilyang Leung sa loob ng 30 taon, ay na-diagnosed na may stage II cervical cancer tatlong buwan na ang nakararaan ngunit ngayon ay magaling na sa sakit, iniulat ng Sky Post. Si Chloe at Nikkie, ang 21-taong-gulang na kambal na anak ni Leung, ay nag-post ng mga larawan sa social media ng pamilya kasama ang kanilang katulong.

“Ang aking pundasyon, ang aking pamilya, ang mabuting kaibigan ng aking tatay, ang aking magandang jie jie (kapatid na babae) Delia ay opisyal na Canser free na,” ang sabi ni Nikkie sa post sa Instagram. Sinabi niya na dinadala sila ng mga magulang nila sa Queen Mary Hospital araw-araw upang bisitahin si Delia habang sya ay nagppagamot.

Pinuri ni Chloe ang malakas at positibong saloobin ni Delia at sinabing palagi siyang may malaking ngiti sa kanyang tatlong buwan na pagsubok.

Si Leung, isang apat na beses na nagwagi ng Best Actor gong sa Hong Kong Film Awards, ay nagsabi na tinatrato niya ang domestic worker bilang bahagi ng kanyang pamilya. Sinabi niya na pinahalagahan ng pamilya kung ano ang ginawa ng doktor at mga medikal na tauhan sa ospital para kay Delia.

Pinuri ng mga viewers online sila Leung bilang isang nagmamalasakit na pamilya at sinabi na nagtakda sila ng mataas na pamantayan para sa iba pang mga amo.

Original: Actor’s family praised for helping sick maid