Ang isang 39-taong-gulang na Filipina domestic worker  ay tinanggihan ang singil sa pagnanakaw sa Eastern Magistrates Court noong Martes at sinasabing hindi nagkasala, sa kabila ng ebidensya laban sa kanya.

Sinabi ni Lulu Pasia na hindi nagkasala sa pagnanakaw ng mga gamit mula sa retailer ng damit na Uniqlo, iniulat ng sunwebhk.com.

Narinig ng korte na ang babae ay nagpunta sa isang tindahan ng Uniqlo noong Linggo at kinuha ang walong pares ng boxer shorts, walong pares ng medyas, tatlong payong, isang backpack at isang hanbag at hindi nagbayad. Ang halaga ng ninakaw na mga items ay hindi nabanggit.

Natuklasan ng isang tauhan ng tindahan ang pagnanakaw niya at kinapkapan siya sa labas ng tindahan. Ang mga gamit ay natagpuan sa kanyang bag, at hindi siya nakapagpakita ng resibo sa kanila. Tinawag nila ang pulis, na inaresto ang babae.

Ang pag-uusig ay humingi ng isang pagtigil para sa karagdagang imbestigasyon at legal na payo. Sinabi ng abogado ng babae na tatanggalin ng kanyang employer ang kanyang kontrata sa trabaho sa Abril 5 bilang resulta ng kaso.

Si Magistrate Peter Law ay nagbigay ng perang pangpiyansa na HK$1,000 (US$127) at sinabi sa nasasakdal na bumalik sa korte sa Abril 15.

Original: Filipina denies theft charge in clothing shop