Isang estudyante sa mataas na paaralan ang naaresto sa isang drug bust noong Linggo at nasumpungan na mayroong 6.8 milyong pesos (US$129,719) na halaga ng ilegal na droga sa kanyang pag-aari sa Cebu, Pilipinas.

Ang mga opisyal ng Regional Special Operations Group (RSOG) sa Central Visayas ay naaresto ng 18-anyos na si Michel David Marzon de Gracia, isang estudyante sa Gothong National High School sa Cebu, iniulat ng SunStar.

Nahuli si De Gracia nang sinubukan niyang ibenta ang mga droga sa isang pulis na undercover. sinubikang kunin ng estudyante ang isang rebolber at tinangkang barilin ang isang pulis ng siya ay ma-corner, ngunit naunahan syang barilin ng isang operative.

Nakuha ng mga awtoridad ang tatlong kilo ng methamphetamine na may tinatayang halaga na 6.8 milyong piso. Tinanggihan ni De Gracia ang anumang paglahok sa iligal na droga.

Sinabi ng hepe ng RSOG-Central Visayas na si Ricardo Tero na sinusubaybayan nila ang mga gawain ni Gracia sa nakalipas na linggo at ang estudyante ay kasama sa kanilang listahan ng mga mataas na halaga ng target.

Original: Student nabbed with drugs worth 6.8 mln pesos