Isang Hapon na sinasabing responsable sa pagpatay ng dalawang lalaki para sa mga claim sa insurance ay naaresto sa Quezon City sa Pilipinas noong Biyernes.

Si Kenichirou Kobayashi, 61, ay nag-hire ng isang hitman upang patayin ang dalawang Hapon na sina Shinsuke Toba at Tatsuya Nakamura, noong Oktubre 18, 2014, at Setyembre 1, 2015, ayon sa Philippine Daily Inquirer.

Ayon sa pulisya, dalawang lalaki ang nasawi sa Las Piñas City. Noong Enero 2017, kinilala ang hitman na si Kirby Tan at naaresto sa Las Piñas City. Isang warrant of arrest ang ibinigay para kay Kobayashi pagkatapos na sinabi ni Tan sa pulisya na sya ang nasa likod ng mga pagpatay.

Sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) na si Koyabashi ay inilagay din sa Interpol Blue Notice. Noong Enero 22, 2018, ang Las Piñas City Regional Trial Court ay nagbigay ng warrant of arrest na walang pyansa na inirerekomenda para kay Kobayashi.

Noong Biyernes ng gabi sa Novaliches, Quezon City, si Kobayashi ay naaresto pagkatapos ng ilang buwan ng pagmamanman at pagsusubaybay.

Ayon kay Lt. Gen. Dennis Guttierez, hepe ng PNP-CIDG Eastern Metro Manila Unit, na si Kobayashi, na hinihinalang bahagi ng isang sindikato, ay nagrerekrut ng mga Japanese nationals at ini-insure ang mga ito sa ilalim ng pekeng kumpanya, pagkatapos ay ipinapapatay ang mag ito upang makuha ang mga benepisyo, iniulat ng GMA News.

Dinala si Kobayashi sa Opisina ng National Capital Region ng CIDG.

Original: Japanese wanted for murder caught in Philippines