Isang 40-taong-gulang na Filipina domestic worker ang naaresto sa Philippine Consulate General sa Admiralty dahil sa di-umano’y pag-aalok ng mga di-umiiral na trabaho sa ibang bansa sa tatlo niyang kasamahan.

Noong Marso 24, nang ang suspek ay lumabas sa Philippines Consulate General, siya ay inaresto ng pulisya dahil sa diumano’y nakakuha ng kabuuang HK$78,000 (US$9,936) sa pamamagitan ng panlilinlang mula sa tatlong domestic worker, iniulat ng hongkongnews.com.hk.

Gayunpaman, ang pinaghihinalaang suspek ay hindi kaakibat sa anumang ahensiya na maaaring magpadala ng legal na manggagawa sa Canada, France, o sa United Kingdom.

Nauunawaan na ang tatlong biktima ay nagbabayad ng HK$43,000, HK$20,000 at HK$15,000 ayon sa suspek upang makakuha ng trabahong caregiver sa Canada. Ngunit hindi ito nangyari, sa halip ang suspek ay humiling sa mga biktima na magbayad ng mas maraming pera upang makalipad na sila sa London o Paris.

Si konsul Paulo Saret mula sa assistance to nationals section ay nagsabi na ang suspek ay inanyayahan sa isang dialogue sa konsulado ngunit mayroon na palang nagrereklamo ayt nag-file ng isang pormal na reklamo sa pulisya laban sa kanya kaya ang suspek ay naaresto, iniulat ng sunwebhk.com.

Ang suspek ay pinahihintulutang mag-post ng piyansa at sinabi na bumalik sa istasyon ng pulis para sa pagsisiyasat.

Original: Filipina worker arrested for illegal recruitment